Lalaki sa US, nakabangga ng sasakyan dahil alagang aso umano ang pinagmamaneho

91
(Unsplash)

LOS ANGELES – Inaresto ang isang 51-anyos na lalaki dahil sa mabilis na pagpapatakbo nito ng sasakyan habang ang nakaupo sa driver’s seat ay hindi siya kundi ang kanyang alagang aso.

Ayon sa ulat ni state trooper Heather Axtman, Linggo ng hapon nang makatanggap sila ng sunod-sunod na tawag dahil sa isang kotse na nakabangga umano ng dalawang sasakyan dahil sa mabilis na takbo na nasa mahigit 100 miles per hour o 160 kms per hour.


Dito na nagpasya ang mga pulis na habulin ang humaharurot na sasakyan at nang malapitan ay laking gulat nila na isang pitbull ang nakaupo sa driver’s seat habang  nakaalalay sa pagpepedal ang lalaki.

Agad hinuli si Alberto Tito Alejandro na humaharap sa patung-patong na reklamo na nakumpirma ring nagmamaneho habang lango sa droga.

Sa karagdagang pahayag ni Axtman, inamin daw ni Alejandro na gusto lamang niyang turuang magmaneho ang kanyang alagang aso.

Samantala, inilagak naman ang naturang pitbull sa animal shelter matapos ang insidente.

Facebook Comments