Lalaki sa US, sinaksak ang tatay habang nasa gitna ng Zoom meeting

291
(Unsplash)

LONG ISLAND, New York – Humaharap sa kasong murder ang isang lalaki dahil sa krimeng pagpatay sa kanyang sariling ama habang nasa gitna ito ng Zoom call.

Sa ulat ng Suffolk County Police, nasa isang Zoom meeting noong Huwebes ang biktimang si Dwight Powers, 72, sa kanyang bahay sa Amityville nang biglang sumulpot ang anak nitong si Thomas Scully-Powers.


Nasaksihan ng lahat ng kasama nito sa Zoom ang ginawang pagsaksak ng suspek sa matanda.

Nakita rin daw nila ang pagbagsak nito at ang tila paghahabol nito sa paghinga.

Agad daw humingi ng tulong ang lahat ng kasama sa naturang meeting ngunit hindi umano nila matukoy ang lokasyon ni Powers.

Samantala, nagawa namang tumakas ng suspek ngunit nahuli rin ito ng awtoridad.

Nahahabla ito sa kasong “second-degree murder” na kalauna’y isinugod sa ospital dahil sa mga tinamong pinsala mula sa pagtalon.




Hindi pa rin malinaw ang naging motibo ng krimen at ngayo’y pinaghahanap pa ang ginamit na kutsilyo sa naturang pagpatay.

Facebook Comments