Lalaki sa Valenzuela, arestado dahil sa paglabag sa quarantine protocols

Huli ang isang lalaki matapos na lumabag sa ipinatutupad na quarantine protocols at makuhaan ng patalim, baril at bala sa Valenzuela.

Sa ulat ng Valenzuela City Police Station, ang naaresto ay kinilalang si Gelyn Seraspe, 30-anyos, residente ng Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa ulat nagsasagawa ng mobile patrol ang mga pulis sa may San Miguel Heights, Marulas, Valenzuela City nang makita ang suspek na si Serapse sakay ng motorsiklo kasama ang kanyang kapatid na si Renato Castillano Tadlas Jr.


Sinita sila ng mga pulis dahil sa paglabag sa stay at home na ordinansa ng lungsod hanggang sa makita ng mga pulis sa pag-iingat ni Seraspe ang isang patalim, isang 9-millimeter pistol at mga bala.

Facebook Comments