Lalaki, sabay pinakasalan ang dalawang nobya ‘para walang masaktan’

Facebook / Ani Purwani

Nag-viral sa social media ang isang kasalan sa Indonesia na mayroong dalawang bride.

Hindi na bago ang polygamy o pag-aasawa ng higit sa isa sa mga bansang Muslim — ayon sa Koran, maaring mag-asawa ng hanggang apat ang isang Muslim hanggat kaya niyang sustentuhan ang bawat isa.

Gayunpaman, sa ilalim ng batas na pinaiiral sa Indonesia, maaari lamang ikasal sa higit isang babae ang lalaki kung papayag ito ng naunang asawa.


Kaya naman pinili ng groom na makipag-isang-dibdib sa dalawa niyang nobya nang magkasunod sa iisang seremonya.

“My heart couldn’t stand to see them hurt. So I decided to marry them both,” katwiran ng groom sa mga pahayagan.

Makikita sa video na ipinost noong Agosto 17, na pinagitnaan ng dalawang babae ang groom na nahirapan pang sambitin ang kanyang marriage vows, na ayon sa mga ulat ay dalawang beses niyang inulit bago mai-tama.

Bilang bahagi ng isa pang tradisyon sa Indonesia, kinailangan magbigay ng bagong kasal na lalaki sa kanyang bride ng Rp10,000 (P38) na pinaghatian ng dalawa niyang bagong misis.

Hati naman ang naging reaksyon dito ng netizens — mula sa pagiging seryoso hanggang sa ginawa na lang katuwaan ang nangyari.

Facebook Comments