Lalaki, sinakal ang nobyang nagsabi umanong ‘nakapangingilabot ang kanyang utot’

5027

WINCHITA FALLS, Texas – Inatake saka sinakal ng isang 41-anyos na lalaki ang kanyang nobya matapos umano ito magreklamo sa amoy ng kanyang utot.

Nakaupo sa sopa si Christopher Ragsdale kasama ang kasintahan sa bahay ng kanyang kaibigan noong Linggo, Enero 6 nang mangyari ang krimen.


Sa ulat ng pulisya, bigla raw hinila ng suspek ang buhok ng biktima saka ito sinakal.

“She told Christopher that his fart smelled horrible and he got mad,” saad ng pulis.

Naawat ng dumating na kaibigan ang pangyayari at agad na tumawag sa awtoridad para i-report ang naturang krimen.

Nagtamo ng mga marka sa leeg at noo ang biktima nang datnan ng mga rumispondeng pulis.

Agad namang inaresto si Ragsdale at humaharap sa kasong assault na may kaukulang pyansa na $10,000 o (P508,843).




Facebook Comments