Lalaki, sinaksak ang kasamahan bago ang sarili para ‘palayain si Satanas’

FLORIDA, United States — Sinaksak ng isang lalaki sa US ang kasama niya sa kuwarto saka ang sarili sa tangka umanong palabasin si Satanas sa kanyang katawan.

Tinarakan ni Joseph Dolash, 25, ang hindi pinangalanang biktima sa dibdib, at ilang beses hiniwa ang sarili noong nakaraang Miyerkules, Abril 29, ayon sa ulat ng WFTV.

Ayon sa ulat, nagtangka pa biktima na takasan si Dolash nang nagsimula na itong habulin siya ng patalim.


Nang hindi magtagumpay sa pagtakas, sinaksak ng suspek ang dibdib ng biktima at nag-utos na “sipsipin palabas ang uod at demonyo mula sa kanyang pulso.”

Ibinaba rin umano ni Dolash ang kanyang pantalon at nagbantang papatayin ang biktima kung hindi ito magsasagawa ng oral sex.

Dumating ang awtoridad at saka lamang napigilan si Dolash na patuloy pa rin umano sa pagsasabi ng “Satan is in me still” at “Satan is a physical being and he is in me now.”

Nahaharap ang suspek sa first degree attempted premeditated murder at sexual assault, habang nakaligtas naman ang biktima na ginamot sa ospital.

Facebook Comments