Sugatan sa pananaksak ang isang lalaki habang naglalaro ng basketball sa lungsod ng San Fernando, La Union.
Ayon sa ulat, kinilala ang biktima na isang 21-anyos na lalaki at residente ng lungsod.
Lumalabas sa imbestigasyon na naglalaro umano ng basketball ang biktima sa lugar ng insidente nang biglang dumating ang suspek na may hawak umanong patalim.
Sa hindi pa naipapaliwanag na dahilan ay sinaksak ang biktima sa kaliwang tagiliran.
Dahil dito, agad na dinala ang biktima sa ospital para sa agarang lunas.
Agad namang rumesponde ang kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto ng 31-anyos na suspek at residente rin ng lungsod.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









