Lalaki sinaksak ng bayaw patay sa Banisilan North Cotabato

12

Isang 27 anyos na lalaki ang napatay sa saksak ng kanyang bayaw sa barangay Pinamulaan sa bayan ng Banisilan sa lalawigan ng Cotabato kagabi. Kinilala ang biktima na si Jelboy Fonte Linggo, residente ng nabanggit na lugar.
Habang ang suspek ay kinilalang si Allan Haresco bayaw ng biktima.
Sa report ay sinaksak ng suspet ang biktima gamit ang kutsilyo sa hindi pa mabatid na kadahilanan. Nagtamo ng malalim na sugat sa kanyang kaliwang dibdib ang biktima na kaagad nitong ikinasawi.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments