Lalaki sa S. Korea, sinilaban ang sarili kasama ang sanggol

Nasagip ng pulisya ang sanggol na muntik nang madamay sa tangkang pagpapakamatay ng isang lalaki sa North Chungcheong, South Korea.

Ayon sa awtoridad nitong Huwebes, nakatanggap sila ng tawag mula sa ina ng sanggol na nagreklamo ng domestic violence bandang alas-3 ng madaling araw, sa ulat ng The Korea Herald.

Nang rumesponde ang pulisya, nadatnan nila ang ‘di pinangalanang suspek sa labas ng bahay na may dalang bote ng flammable material at nagbantang sisilaban niya ang sarili.


Sa kabila ng pagpapakalma sa lalaki, sumakay ito sa kotse at nagmaneho palayo kasama ang sanggol.

Hinabol ng apat na police vehicles ang sasakyan at masuwerteng nasagip ang bata bago magliyab ang lalaki sa loob.

Naapula naman ang apoy, ngunit nagtamo ng second-degree burn ang lalaki sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.

Binabalak ng awtoridad kumuha ng arrest warrant laban sa lalaki, ngunit sinusubaybayan pa ang paggaling nito.

 


Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa โ€œHope Lineโ€ ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

Facebook Comments