Lalaki, sinilaban ang sarili sa harap ng nakipaghiwalay na nobya

3107

LONDON, United Kingdom — Matapos mabigo sa pag-ibig, sinunog ng isang lalaki ang kanyang sarili sa harap ng dating kasintahan na nakipaghiwalay makalipas ang ilang linggong relasyon.

Kinilala ng UK media ang biktimang si Morgan Baskett, 42, na di-umano’y nagmakaawa pa na hayaan siyang mamatay matapos silaban ang sarili sa labas ng bar sa London noong Linggo.


Ayon pa sa mga saksi, ni hindi man lang sumigaw ang nasusunog na lalaki at ang paulit-ulit na sinasabi lang ay, “I want to die, let me die.”

Gayunpaman, inapula ng mga tao ang apoy gamit ang extinguisher mula sa mga kalapit na establisyemento at isinugod sa ospital si Baskett na kritikal ang kondisyon, ayon sa ulat ng The Sun.

Base sa salaysay ni Djan Ali, may-ari ng isang cafe sa lugar ng insidente, nakipaghiwalay sa biktima ang isa niyang waitress na si Michelle makaraan ang apat o limang linggong pakikipagrelasyon.

Kinompronta ni Baskett ang dating nobya para makipagbalikan, ngunit tumanggi ang babae.

Nakita umano ni Ali ang lalaki na naligo ng gaas sa kalagitnaan ng pakikipagtalo kay Michelle at ilang segundo lang ay nag-apoy na ito.




Tumulong ang mga kostumer sa bar sa pag-apula ng apoy at pagpunit sa nasusunog na damit ni Baskett bago dumating ang ambulansya.

“His face was completely charred and black. It was so sad to see,” saad pa ni Ali.

Facebook Comments