Lalaki, Sugatan Matapos Banggain ng Motorsiklo

Santiago City, Isabela- Sugatan ang isang lalaki matapos banggain ng isang motorsiklo pasado ala una kahapon, Enero 1, 2018 sa Purok 4, Calaocan, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Joel Ramirez, 19 taong gulang, drayber, single, at tubong Calaocan, Santiago City.

Sa inisyal na imbestigsyon ng Traffic Group PNP Santiago, tumatawid sa daan ang biktima nang biglang banggain ito ng isang motorsiklo na minamaneho ni Joshua Padua, 21 taong gulang, estudyante, binata, at residente ng Tramo Malvar, Santiago City.


Sa nangyaring pagkakabangga. parehong natumba ang biktima at drayber ng motorsiklo na pawang may angkas din na kinilalang si Rose Ann Vergara, 21 taong gulang, dalaga, isang sales lady at residente ng Purok 6, Victory Norte, Santiago City, Isabela.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga sangkot sa aksidente upang malapatan ng lunas ang mga tinamong sugat.

Na pag-alaman din sa imbestigasyon ng PNP Santiago na positibo sa impluwensya ng alak ang drayber ng nakabanggang motorsiklo.

Facebook Comments