LALAKI, SUGATAN MATAPOS HAMPASIN NG KAWAYAN NG KAPITBAHAY DAHIL SA MAINGAY NA TUGTOG NG RADYO

Sugatan ang isang 36 anyos na lalaki matapos hampasin ng kawayan ng kanyang mga kapitbahay sa Sual, Pangasinan.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nakainom ang biktima at malakas ang tugtog ng kaniyang radyo.
Ang kaniyang kapitbahay na Isang 66 anyos na lola, kinompronta ito na hinaan ang radyo hanggang sa magtalo ang dalawa at sinampal ang lola na bumagsak sa lupa. Dahil sa nangyari, sumugod ang dalawang kamag-anak ng lola at pinalo ng kawayan sa ulo ang biktima.

Agad na dinala ang biktima ng kanyang mga kamag-anak sa Sual Primary Care Facility-Infirmary para sa medikal na atensyon na ngayon ay nasa maayos nang kalagayan. Nasa kustodiya ng pulisya ang dalawang suspek para sa kaukulang disposisyon.Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments