Lalaki, sugatan matapos mabundol ng ng isang sasakyan sa QC

Manila, Philippines – Sugatan ang isang lalaki mataposmabundol ng isang sasakyan sa E. Rodriguez sa Quezon City.
  Kinilala ang biktima na si Sonny Tobias, isang familydriver na kasalukuyang inoobserbahan sa ospital matapos na magdugo ang ulodahil tumama ito sa windshield ng nakabanggang sasakyan.
  Ayon kay Ridilfo Duma, driver ng nakabanggang kulayputing SUV na may plakang ZNX 923, biglang tumawid ang biktima kaya’t hindi nasiya nakapag-preno.
  Iniimbestigahan na ng Quezon City Police District TrafficSector ang aksidente.
 

Facebook Comments