Lalaki, sugatan matapos mapagkamalang manok sa Abra

Sugatan ang isang lalaki matapos siyang mabaril habang nanghuhuli ng manok sa gubat sa Penarrubia, Abra.

Ang 70-anyos na biktimang si Santos Venus ay nagpunta sa gubat para manghuli ng labuyo.

Kwento ng biktima, ginaya raw niya ang huni ng manok para maagaw ang atensyon ng huhulihin niyang manok nang makadinig na siya ng mga putok ng baril.


Dito niya napagtanto na tinamaan na pala siya ng bala sa likod, kamay at paa.

Masuwerteng nakahingi kaagad siya ng saklolo kaya naisugod siya sa ospital.

Hinala ni Venus, hindi siya ang puntirya ng bumaril at maaaring napagkamalan lang daw siya na manok.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Facebook Comments