Bugbog at saksak sa likod at ulo ang tinamo ng 26 anyos na lalaking biktima matapos pagtulungan ng anim na katao sa Brgy. Camagsingalan, Sual, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nag-iinuman ang anim na menor nang makasagutan ang kararating lamang na biktima.
Nauwi sa rambolan ang sagutan ng dalawang panig at binugbog ang biktima bago saksakin sa likod at dalawang beses naman sa ulo.
Naitakbo sa pagamutan ang biktima at kasalukuyang nagpapagaling.
Nakumpiska naman ang ginamit na patalim at itinurn over na sa Sual Municipal Social Welfare and Development Office ang mga menor na sangkot para sa kaukulang interbensyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









