Lalaki, Sugatan sa Pananaksak ng Kainuman!

188

*Cauayan City, Isabela- *Sugatan ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin ng kanyang kainuman pasado alas kwatro ng hapon kahapon sa Brgy. Sinabbaran, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Reynald Ricafort, 34 anyos, walang asawa, at residente ng Brgy. Sinabbaran, Echague, Isabela habang ang suspek naman ay si Leoncio Escano, 58 anyos, may-asawa residente naman ng Brgy. Sinabbaran ng nasabing bayan.


Sa inisyal na impormasyon na natanggap ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), lumabas sa imbestigasyon ng PNP Echague na habang nasa kalagitnaan ng inuman ang biktima at suspek kasama ang ilang kapitbahay ay nagkaroon ang mga ito ng mainit na pagtatalo.

Umuwi ang suspek sa kanilang bahay at habang nanonood ng laro sa peryahan ang biktima ay dumating ang suspek at bigla na lamang sinaksak ng tatlong beses sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Agad namang dinala sa pagamutan ang biktima para sa kanyang karampatang lunas.

Dinakip naman ng mga pulis ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya kasama ang ginamit na patalim para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers