Tatlong sasakyan ang sangkot sa isang aksidente na naganap sa Brgy. Guibel, San Jacinto.
Batay sa paunang imbestigasyon, liliko sana pakaliwa ang isang SUV nang sumalpok ang paparating na motorsiklo.Dahil sa lakas ng salpukan, nawalan ng kontrol ang rider at tumilapon patungo sa linya na tinatahak ng isa pang SUV.
Agad na isinugod sa ospital ang driver ng motorsiklo matapos magtamo ng mga sugat. Samantala, ligtas at walang iniulat na injury ang dalawang may-ari ng mga SUV.
Lahat ng sangkot na sasakyan ay nagtamo ng pinsala at nasa kustodiya na ng San Jacinto Municipal Police Station para sa tamang dokumentasyon at imbestigasyon.
Patuloy na ipinapaalala ng pulisya ang pag-iingat sa kalsada, lalo na sa mga sangandaan at bahagi ng highway kung saan madalas maganap ang mga aksidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









