LALAKI, SUGATAN SA PANANAKSAK NG DALAWANG KATRABAHO

Sugatan ang isang lalaki matapos pagtulungan saktan ng dalawang katrabaho sa Brgy. Macalong, Urdaneta City, Pangasinan.

Kinilala ang mga suspek na isang 18 anyos at 16 anyos na lalaki, residente ng Victoria, Tarlac.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Urdaneta City Police Station WCPD Officer PLt. Roselle Marinas, kalalabas lamang umano ng biktima sa palikuran nang mangyari ang pananakit na nauwi sa pananaksak.

Dagdag ng opisyal, ang nakababatang suspek ang humugot ng patalim at sumaksak sa biktima.

Napag-alaman din na edad 14 anyos lamang ang isa sa mga suspek nang makita ng kapulisan ang Birth Certificate na dala ng guardian nito.

Tinuturong dahilan ang matagal nang hindi pagkakaunawaan ng biktima at suspek.

Naaresto ng kapulisan ang dalawang suspek at itinurn-over na rin ang menor de edad sa kanyang guardian para sa kaukulang gabay ng DSWD.

Nagpapagaling naman hanggang sa kasalukuyan ang biktima matapos magtamo ng dalawang saksak sa kanyang katawan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments