LALAKI SUGATAN SA PANANAKSAK SA CALASIAO; SUSPEK, ISANG MAGSASAKA

Isang 54-anyos na construction worker ang nasugatan matapos umanong saksakin ng isang 29-anyos na magsasaka sa Calasiao, Pangasinan noong Oktubre 29, 2025.

Batay sa imbestigasyon, pauwi ang suspek sa kanilang bahay sakay ng motorsiklo nang makasalubong niya ang biktima sa daan.

Nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang pagitan ng dalawa hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek mula sa compartment ng kanyang motorsiklo at saksakin ang biktima.

Agad na isinugod ng mga kaanak ang biktima sa ospital, habang mabilis na tumugon ang mga tauhan ng Calasiao Police na nagresulta sa pagkaka aresto ng suspek at pagkakakumpiska ng ginamit na patalim.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calasiao MPS ang suspek at ang nasamsam na patalim para sa karampatang disposisyon.

Facebook Comments