Lalaki, sunog ang kalahati ng mukha matapos sabuyan ng asido

Boracay – Sunog ang kalahati ng mukha ng 25-anyos na lalaki matapos sabuyan ng asido ng isang Guest Relation Officer (GRO) na nakasagutan sa isang videoke bar sa Brgy. Manocmanoc sa isla ng Boracay.

Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), aksidente umanong nabangga ng biktima na kinilalang si Eduardo Batocabe ang GRO na si alyas Girlie na naging dahilan ng mainitang pagtatalo na agad din naman naayos.

Pero nang umorder ng beer ang grupo ng lalaki sa naturang GRO sa halip na alak ay asido ang dala nito na kaagad na isinaboy sa mukha ng biktima.


Dahil dito, handang magsampa ng kaso ang lalaki sa suspek.

Facebook Comments