LALAKI, TIKLO SA BUY BUST OPERATION SA BINALONAN

Tiklo sa Binalonan ang isang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad.

Kinilala ang suspek na isang 47 anyos na lalaki at residente rin sa masabing bayan.

Nakumpiska mula rito ang nasa tatlong gramo ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng nasa 20,400 pesos.

Masusing inilagak sa imbentaryo ang mga nakalap na ebidensya habang nasa ilalim na ng kustodiya ng pulisya ang suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments