LALAKI, TIMBOG DAHIL SA DALAWANG KASO NG PANANAKIT

Arestado ang isang lalaki dahil sa dalawang kaso ng Less Serious Physical Injuries sa Barangay Magsaysay, Bayambang, Pangasinan.

Ayon sa himpilan, ang operasyon ay isinasagawa sa bisa ng warrant of arrest kung saan nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 265 o Less Serious Physical Injuries ng Revised Penal Code.

Kaugnay dito, ₱24,000 ang kabuuang halaga ng inirerekomendang piyansa, kung saan ₱12,000 bawat kaso ang nakasaad sa warrant.

Matapos madakip, isinagawa sa suspek ang pisikal na eksaminasyon bago ipiniit sa himpilan ng pulisya para sa wastong disposisyon at pagproseso ng mga kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments