LALAKI, TIMBOG DAHIL SA KASONG LASCIVIOUS CONDUCT SA BAYAMBANG

Isang lalaki na hinatulan sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Republic Act 7610 ang inaresto ng Philippine National Police (PNP) Bayambang kahapon, December 23, 2025.

Ayon sa ulat pulisya, bandang alas-1:30 ng madaling araw, isinagawa ang pag-aresto sa Barangay Magsaysay, Bayambang ng mga tauhan ng PNP Bayambang katuwang ang 105th Maneuver Company ng RMFB1, sa bisa ng warrant of arrest para sa service of sentence kaugnay ng paglabag sa Section 5(b) ng Republic Act 7610 o ang “Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”

Bago arestuhin ang suspek, ipinabatid kanyang mga karapatan kasabay ng pagsasagawa ng dokumentasyon.

Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa ospital para sa pisikal na eksaminasyon bago itinurn-over sa Bayambang Municipal Police Station para sa wastong pagproseso at disposisyon.

Ayon sa PNP Bayambang, ang naturang operasyon ay patunay ng kanilang patuloy na pagpapatupad ng batas habang tinitiyak na iginagalang ang karapatang pantao ng bawat indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments