LALAKI, TIMBOG SA BUY BUST OPERATION SA CALASIAO

Timbog ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Brgy. Nalsian, Calasiao, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na residente mula sa bayan ng Urbiztondo.

Nakumpiska sa tulong ng poseur buyer ang 16 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang ₱108, 800.

Ipinasakamay naman sa Provincial Forensic Unit ang nakuhang ebidensya pati ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments