LALAKI, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA SAN JACINTO

Arestado ang isang 33 anyos na lalaki sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation sa Brgy. San Vicente, San Jacinto, Pangasinan.

Ayon sa ulat ng pulisya, matagumpay na nahulog sa bitag ng isang poseur buyer na nagkunwaring bibili ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek.

Dahil dito, agad naaresto ang suspek.

Sa isinagawang follow-up search, nakumpiska rin mula sa suspek ang dalawa pang sachet ng hinihinalang shabu at ang ginamit na buy-bust money.

Sumailalim naman sa medical examination ang suspek bago dinala sa himpilan ng San Jacinto Police para sa karagdagang imbestigasyon at dokumentasyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Illegal Sale of Dangerous Drugs at Illegal Possession of Dangerous Drugs ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments