LALAKI, TIMBOG SA BUY BUST SA SAN CARLOS CITY

Arestado ang isang 30-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa San Carlos City, Pangasinan.

Ayon sa tala ng pulisya, ang operasyon ay nagresulta sa pagkakakumpiska ng 2 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php13,600 kabilang ang ilan pang non-drug evidence.

Ang lahat ng ebidensya ay maayos na inimbentaryo at minarkahan alinsunod sa batas.

Samantala, nanawagan naman ang pulisya sa publiko na makipagtulungan upang maiwasan ang bentahan at paggamit ng ipinagbabawal na droga sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments