Lalaki timbog sa drug buy bust operation ng PP3

Timbog sa drug buy bust operation ng PP3 at City drug enforcement unit ng CCPO ang isang 30 anyos na lalaki kahapon alas kwatro pasado ng ng hapon sa likoran ng City Mall sa barangay RH-7 ng lungsod. Kinilala ang naaresto si Datu Jo Rashid na nakatira sa kakar barangay Poblacion 8, nakuha sa kanyang posisyon ang dalawang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 800 pesos at 500 pesos na ginamit na marked money. Ayon kay PSI Leonardo Enggay, matagal na umanong minomonitor ng kanyang tauhan ang suspect dahil itoy naghahatid ng droga sa mga parokyano. Siyay nakapiit na at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments