LALAKI, TIMBOG SA KASONG PAGNANAKAW

Cauayan City – Deretso sa kulungan ang isang lalaki matapos itong maaresto ng mga awtoridad noong ika-7 ng Agosto sa lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, ang suspek ay kinilalang si alyas “Celso”, 51 anyos, at residente ng lungsod ng Cauayan.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte dahil sa kasong Qualified Theft na isinampa laban sakanya.


Wala ring inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Alyas “Celso”.

Samantala, sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Cauayan City Police Station para sa dokumentasyon bago ito ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments