LALAKI, TIMBOG SA KASONG PANGGAGAHASA SA STA. BARBARA, PANGASINAN

Nasakote ng pulisya ang isang lalaki na kabilang sa Top 6 Most Wanted Person sa lalawigan ng Pangasinan.

Nakilala ang suspek na isang 22 anyos, at residente sa bayan ng Sta. Barbara.

Nahaharap ito sa kasong 2 counts ng Statutory Rape at sexual abuse na walang inirekomendang pyansa.

Tukoy ito bilang Top 6 Most Wanted Person sa lalawigan ayon sa intelligence record ng hanay ng kapulisan.

Nasa kustodiya na ito ng pulisya at haharapin ang kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments