Lalaki, Timbog sa Pag-iingat ng Shabu at mga Kalibre ng Baril

36

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki na isang High Value Target (HVT) ng isilbi ang kanyang search warrant bandang 8:20 kaninang umaga sa Brgy. Suyang,Tabuk City, Kalinga.


Kinilala ang suspek na si Clifford Wailan Batawang, 34-anyos na residente sa nasabing lugar.

Dinakip ang suspek ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Branch/Drug Enforcement Unit of Kalinga PPO, RDEU Cordillera, 1503rd MC RMFB 15, RID PROCOR, RIU 14, CIDG at PDEA Kalinga.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) caliber 22 rifle, caliber 22 revolver, caliber 45 at mga bala na nakasilid sa isang sling bag.

Bukod dito,kumpiskado rin ang sampung (10) piraso ng pakete ng pinaniniwalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 3 grams na may market value na P20,400 at mga drugs paraphernalia.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.

Facebook Comments