Lalaki, Timbog sa Pagbebenta ng Droga!

123

Cauayan City, Isabela- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang lalaki matapos mahuli sa pagbebenta ng droga partikular sa isang kilalang mall sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Cloyd Erickson Andres, 34 anyos, may asawa at residente ng naturang barangay.


Pasado alas 7:00 kagabi nang isagawa ng mga otoridad ang drug buybust operation laban kay Andres kung saan ay positibong nakabili ang poseur buyer mula sa suspek ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng isang libong piso (P1,000.)

Habang kinakapkapan ng mga otoridad ang suspek ay narekober pa sa pag-iingat nito ang isa pang sachet na may tirang hinihinalang shabu, P1,000 na buybust money at isang unit ng cellphone.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers