Lalaki, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki na itinuturing na High Value Target (HVT) matapos ikasa ang drug buy-bust operation pasado 1:00 ng hapon kahapon sa Balzain West, Tuguegaro Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Joselito Dela Cruz Jr., 34-anyos at residente ng Brgy. Atulayan Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Positibong napagbentahan ng suspek ng hinihinalang shabu ang operatiba na nagpanggap na poseur buyer na tinatayang nagkakahalaga ng P6,800.


Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na nasa kustodiya ng PNP Tuguegarao City.

Facebook Comments