Lalaki, Timbog sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

24

Cauayan City, Isabela-Timbog ang isang lalaki sa pagbebenta ng iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa isang sementeryo na sakop ng Brgy. Labinab Grande, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Joser Acob, 31-anyos at residente ng Brgy. District 1, Reina Mercedes, Isabela.


Positibong napagbentahan ng suspek ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer sa loob ng isang sementeryo kapalit ang isang P1,000 na buy-bust money.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isa pang pakete ng shabu, iba’t ibang uri ng IDs at P200 at dalawang pang sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng asin.

Nabatid na si Acob ay may kinakaharap na kasong estafa at pansamantalang nakalaya matapos makapagpiyansa.

Napag-alaman din na may pending warrant of arrest ang suspek sa Lalawigan ng Pampanga dahil sa paglabag sa LTO Code at nauugnay din si Acob sa isang kasong Carnapping.

Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya na ng PNP Reina Mercedez para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.




Facebook Comments