Lalaki, Timbog sa Pagbebenta ng Shabu sa Santiago city

74

Cauayan City, Isabela- Timbog ang itinuturing na High Value Target matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng awtoridad bandang 5:15 ng hapon kahapon sa Brgy. Patul, Santiago City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Christopher Carreon alyas ‘TOPE’, 40-anyos at residente ng Brgy. Rosario, Santiago City, Isabela.


Dinakip si Carreon ng pinagsanib na pwersa ng PDEA RO II Quirino Provincial Office, RDEU SCPO, at SDEU PS2 matapos mapagbentahan ng shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P1,000.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang (2) pakete ng pinaniniwalaang shabu.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Facebook Comments