LALAKI, TIMBOG SA PAGNANAKAW NG RELIEF GOODS SA ILOCOS SUR

22

Arestado ang isang 32 anyos na lalaki matapos magnakaw ng relief goods at mahulian ng mga bala sa Narvacan, Ilocos Sur.

Ang suspek ay nakilalang si Bonifacio Rebellion, residente ng Brgy Sta. Lucia, Narvacan.

Base sa report, nakatanggap ng tawag ang Narvacan Police Station mula sa barangay officials ng Brgy. San Jose sa nasabing bayan na namataan ang suspek na nagnakaw ng mga nakatagong relief goods sa nasabing barangay kasunod ng pagtakas nito.


Rumesponde ang mga kasapi ng Narvacan PNP at natunton din ang suspek.

Nakumpiska mula sa kanya ang mga nanakaw na nagkakahalaga ng higit walong libo at narekober nakuha rin ang isang magazine assemble para sa Glock 9mm pistol na naglalaman ng (9) siyam na bala at isang kutsilyo.

Facebook Comments