Lalaki, Timbog sa Pagpapaputok ng Baril

51

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang isang lalaki dahil sa pagpapaputok nito ng kanyang baril sa Brgy. District 1, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Edgar Felipa, 47 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Bagong Tanza, Aurora, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFMCauayan, nakatanggap ng sumbong ang himpilan ng PNP San Manuel mula sa mismong asawa ng suspek na si Precila Felipe kaugnay sa pagpapaputok ng baril ng kanyang mister sa harap mismo ng kanilang kinaroroonan sa brgy District 4 sa naturang bayan na kalauna’y umalis at sumakay ng jeep patungong bayan ng Aurora.

Nang matanggap ng pulisya ang sumbong ay agad na inalerto ang mga pulis na nagbabantay sa quarantine checkpoint hanggang sa maharang ang sinakyang jeep ng suspek na nagresulta sa kanyang pagkakahuli.

Nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang isang (1) Armscor Caliber 45 pistol na may dalawang (2) magazine at 17 piraso ng bala.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek kasama ang nakumpiskang baril para sa dokumentasyon at disposisyon.




Kasong paglabag sa RA 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” ang inihahanda ng pulisya na isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments