LALAKI, TIMBOG SA PAMEMEKE NG DOKUMENTO SA SAN CARLOS CITY

Arestado sa bisa ng warrant of arrest ang isang 59-anyos na lalaki na residente ng San Carlos City, Pangasinan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 172 ng Revised Penal Code of Falsification of Private Document, na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱36,000.

Matapos ang pag-aresto, ang suspek ay agad na dinala at kasalukuyang nasa himpilan ng San Carlos City Police Station para sa tamang disposisyon ng kaso.

Patuloy namang pinaaalalahanan ng kapulisan ang publiko na igalang ang batas at makipagtulungan sa mga awtoridad upang mapanatili ang kaayusan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments