Lalaki, Tinadtad ng Saksak dahil sa Selos!

2877

Cauayan City, Isabela- Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin ng maraming beses sa Damatan St, Brgy District 3, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Dennis Balmores, 23 anyos, helper, tubong Brgy. San Miguel, Burgos, Isabela at nangungupahan sa brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.


Habang ang suspek ay si Jeffrey Santos, 27 anyos, traysikel drayber na nanunuluyan din sa Tolentino St, San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, galing sa inuman ang biktima kasama ang kanyang live-in partner na si Princess Pineda at habang sila ay nag-aabang ng masasakyang traysikel ay biglang dumating ang suspek lulan ng kanyang minamanehong motorsiklo.

Agad na bumaba sa motorsiklo ang suspek at nakipag-bangayan sa biktima.

Dito na naglabas ng patalim ang suspek at isinaksak ng maraming beses sa katawan ng biktima.

Agad namang tumakas sa hindi matukoy na direksyon ang suspek matapos ang krimen.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima subalit idineklara din ito na dead on arrival (DOA).

Kaugnay nito, selos ang tinitignang motibo ngayon ng pulisya hinggil sa nangyaring insidente.

Patuloy naman ang hot pursuit operation ng mga otoridad laban sa tumakas na suspek.

Facebook Comments

From Advertisers