Lalaki, tinambangan sa QC, patay

Manila, Philippines – Patay sa pananambang ang isang lalaki sa Batasan, Quezon City.

Alas 4:00 kaninang madaling araw, sakay ng motorsiklo ang biktima nang bigla siyang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Sampaguita Road.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang biktima pero hindi na siya umabot nang buhay.


Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments