Lalaki, tinambangan sa Quezon City

54

Sugatan ang isang John Carl Basa matapos tambangan ng riding in tandem sa Quezon City.

Ayon kay PSupt. Rodrigo Nasdoman, hepe ng PS 1, pasado alas otso kanina, ipaparada sana ni Basa ang sasakyan niyang kulay maroon na Montero sports sa Sgt. Rivera St. kanto ng Banawe nang biglang sumulpot ang dalawang armado na magkaangkas sa motorsiklo.


Lumapit ang isang sakay ng motorsiklo sa tapat ng pintuan ng Montero sports saka pinagbabaril ang sakay nito.

Isinugod na sa pinakamalapit na ospital si Basa.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng pamamaril.

Facebook Comments

From Advertisers