Lalaki, ‘tinangay’ ang ayudang nakuha ng partner, ibinili ng alak

Photo from Unsplash

SAN JOSE, NUEVA ECIJA – Ipinaaresto ng isang ginang ang kaniyang live-in-partner matapos umanong kupitin ang nakuha niyang ayuda mula sa social amelioration program ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).

Ayon sa police report, tinangay daw ni Jimmy Mengito Noble ang kabibigay pa lamang na P6,500 cash aid kay Yolanda Trinidad Fontino.

Bandang alas-9:30 ng umaga nang magtungo si Fontino sa quarantine checkpoint ng Barangay Calaocan para isumbong ang ginawa ng kinakasama.


Natunton ang lalaki sa Sitio Tangos, Brgy. Camanacsacan na huli sa aktong nakikipag-inuman.

Sa kasamaang palad, P3,000 na lamang ang halagang nabawi kay Noble.

Nasa kostudiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Bayanihan Heal As One Act at liquor ban.

Facebook Comments