Lalaki, tinanggalan ng isda sa tumbong na ikinatwiran niyang naupuan lang

Freepik

Inoperahan ang isang lalaki sa China matapos makitaan ng isda sa rectum o tumbong na sinabi nitong naupuan niya lang.

Pumunta sa ospital ang ‘di tinukoy na lalaki noong Hunyo 2 upang ipasuri ang hindi maipaliwanag na pananakit ng tiyan, ayon sa Daily Mail.

Nadiskubre sa resulta ng X-ray na may isang buong tilapia sa tumbong ng pasyente na aksidente raw nitong naupuan kaya pumasok.


Umamin naman siya na sinubukan niya raw itong alisin mag-isa, ngunit nahihirapan siya dahil sa palikpik.

Nabubulok na ang isda na natanggal ng mga doktor matapos ang operasyon na nakuhanan ng video at nag-viral sa Chinese social media platform na Weibo.

Facebook Comments