Lalaki, Tinumbok ng Sasakyan Patay!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang lalaki matapos banggain ng sasakyan habang ito’y patawid sa pambansang lansangan kagabi sa Brgy. Binguang, San Pablo, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Gil Plan Mania na residente rin ng Brgy Binguang habang ang suspek at drayber ng pulang Ford Raptor na may conduction sticker number CZ K770 na si Kent Samson Monino, 20 anyos, binata, na taga Tuguegarao City, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang binabaybay ng suspek ang lansangan patungong Cabagan, Isabela at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay aksidente nitong nabangga ang biktima na tumatawid sa kalsada.


Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan ang biktima at agad na dinala sa ospital ngunit hindi na umabot ng buhay.

Hawak ngayon ng pulisya ang suspek na posibleng maharap sa kasong Homicide.

Facebook Comments