
Hindi pa rin matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang lalaki na tumalon sa footbridge malapit sa Central Market.
Ang nasabing lalaki ay nakita ng ilang mga saksi na palakad-lakad sa footbridge bago ito tumalon bago mag-8:00 ng umaga.
Nagulat na lamang ang ilang mga motorista at tricycle driver ng bumagsak na ito sa kalsada.
Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Managemenet Office (DRRMO) para bigyan ng paunang lunas at tulungan ang lalaki.
Nakitaan ng posibleng bali sa kamay ang lalaki kung saan agad din siyang dinala sa malapit na ospital.
Hindi pa rin matukoy kung anong motibo ng lalaki kung saan bahagyang bumagal ang daloy ng trapiko dahil sa insidente.
Facebook Comments









