Lalaki tumalon sa mall sa Cainta Rizal, patay

570

Manila, Philippines – Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos tumalon mula sa itaas na palapag ng ng Sta. Lucia Mall sakop ng bayan ng Cainta, Rizal.

 

Ayon kay Eric Arevalo ng Cainta Rescue, alas dos bente sais kanina nang maitawag sa kanila ang insidente at inabutan na lamang na patay na ang biktima na nasa edad 30-40  anyos.

 

Isang 16 anyos naman na babae na nakilalang si Chandal De Villa ang nabagsakan.

 

Nagtamo ng head trauma ang dalagita pati injury sa kanang hita.

 

Tumanggi na aniya magbigay ng iba pang detalye ang pamunuan ng mall kaugnay sa insidente.




Facebook Comments