Lalaki, tumalon sa riles ng tren matapos malamang nagbigti ang nobya

316

Tinapos ng 29-anyos na lalaki ang kanyang buhay nang tumalon ito sa riles ng tren ilang araw matapos matagpuan ang kasintahan na nakabigti sa loob ng kanilang tahanan sa Wigan, Greater Manchester, England.

Nakatakda sanang magkita sina Adam Howarth at ang nobya nitong si Chloe Spencer, 27, para mag-date ngunit hindi natuloy nang magpasya si Spencer na kanselahin ang kanilang pagkikita.


Ilang oras lamang ang nakalipas ay nakatanggap ng balita si Howarth tungkol sa pagpapakatiwakal ng kasintahan.

Kwento ng ina ni Howarth, “Adam and Chloe were due to go on a date on June 21 but she cancelled that night. The following day Adam unexpectedly received a call from a friend saying she had taken her own life and as consequence of this, Adam was heartbroken.”

Makalipas ang anim na araw mula nang magpakamatay si Spencer ay tumalon naman ang nobyo nito sa riles ng tren kung saan nagtamo siya ng matinding pinsala sa katawan na naging dahilan ng kanyang pagkasawi.

Ayon sa ina ni Howarth, nagsimula raw makaranas ng depresyon ang anak nang iwan ito ng kanyang nobya kaya nagpasya silang isailalim ito sa mental health assessment.

Napansin rin nila ang unti-unting pagbabago sa kinikilos ng anak na lumala pa matapos ang malagim na pangyayari.

“It was playing on his mind a lot and he never found out that day and there were some texts on his phone asking about it. The last minute I saw him he have me a cuddle and said he loved me, then left and his phone was on charge. He was an absolutely wonderful son,” saad niya.

Sa kabilang banda, isinalaysay naman ng ina ni Spencer na nagsimulang magkaroon ng mental health problem ang anak matapos ito mabiktima ng panggagahasa ilang taon na ang nakararaan.

Nakapag-usap pa raw sila mismong araw na nawala ito.

“We just drank and had a laugh and we joked. I went to sleep at about 11.30pm as I was training for a charity fight the next day. I woke up at about 5am to go to the toilet and I found her hanging from the stairs,” saad nito.

Samantala, naiulat na nakita sa pagsusuri na mayroong 176 mg ng alcohol at cocaine sa katawan ni Spencer.

Ayon kay Det. Insp. Phillip Housley ng Greater Manchester Police, wala silang nakikitang foul play sa nangyari.

“We looked at Chloe’s phone records and phone text messages and there was a message sent to someone called Adam at 3.03am but there is no suggestion that was responded to. There was no evidence to suggest foul play,” aniya.

Sabi naman ni Det. Ch. Insp. Lee Owen ng British Transport Police, “Adam was said to be deeply upset because of the death of his girlfriend and indicated he wanted to harm himself to his mum. He was upset and commented he wouldn’t be able to carry her coffin and commented that he wanted to be with her.”

Wala rin daw indikasyon ng third party at wala ring kahit anong suicide note na natagpuan.

“With my person opinion, looking at the way he was struck by the train, I believe it was his intention to jump out of the way at the last minute,” saad niya.

 

(Sa mga nakararanas ng depresyon, huwag mag-alinlangang sumangguni sa malalapit na kaibigan at espesyalista.

Maari ring tumawag sa “Hope Line” ng Natasha Goulbourn Foundation na katuwang ng Department of Health (DOH):

(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084)

Facebook Comments

From Advertisers