Thursday, February 19, 2026

LALAKING AKUSADO SA KASO NG SEXUAL ASSAULT, ARESTADO SA SISON

Inaresto ng Sison Municipal Police Station ang isang lalaki na akusado sa kasong sexual assault sa Barangay Killo, Sison, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court, First Judicial Region, Branch 16 Urdaneta City.

Sa ulat, isinilbi ng mga awtoridad ang warrant at agad na inaresto ang akusado.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ito ng Sison MPS habang isinasagawa ang mga kaukulang proseso para sa pagharap sa kaso.

Patuloy naman ang paalala ng kapulisan sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas at pagtiyak ng kaligtasan sa komunidad.

Facebook Comments