
Hinuli ng Makati Police ang 26-anyos na lalaki na akusado sa panghahalay sa menor-de-edad na dalagita sa Makati City.
Ang suspek ay si alyas “John Carlo” na nahuli sa kanto ng Bernardino St. sa EDSA, sa Brgy. Viejo ng naturang lungsod.
Inaresto nina P/Lt. Col. Antonio Ananayo, Jr., hepe ng District Special Operations Unit (DSOU) ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Taguig City Regional Trial Court (RTC) National Capital Judicial Region Presiding Judge Loralie Cruz Datahan ng Branch 69 na para sa kasong Statutory Rape by Sexual Assault.
Pansamantalang nakakulong ang suspek sa SPD custodial facility bagama’t mabigat ang kasong kinakaharap ay pinayagan pa ring makapaglaak ng piyansang P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.










