Lalaking akyat-bahay, arestado sa Pasig

Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nag-aakyat bahay sa Barangay Santa Lucia, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Ace Gonzales na nahaharap sa dalawang kaso ng robbery.

Ayon kay barangay Security Force Desk Dino Asejo – nabisto ang suspek sa tulong ng kanilang CCTV.


Naibalik ang limang cellphone at wallet na tinangay ng suspek.

Paalala ng mga awtoridad, tiyaking sarado ang mga pinto at gate ng mga bahay para hindi makapasok ang mga kawatan.

Facebook Comments