Lalaking Binugbog sa Santiago City, Ninakawan pa!

24

Sugatan ang isang lalaki matapos itong bugbugin ng limang mga hindi pa nakikilalang suspek sa brgy. Mabini Santiago City.

Kinilala ang biktima na si patrick santos 29 anyos, walang asawa, service crew at residente ng Centro West Santiago City.


Batay sa pagsisiyasat ng Santiago City Police station 1 ay nag-inuman umano ang biktima kasama ang kanyang pinsan at isang kaibigan sa loob ng isang club house resto bar sa naturang lugar kung saan ay aktong palabas na ang mga ito ng lapitan ng limang mga suspek.

Kaugnay nito ay walang anu-anong binugbog si Santos at dahil naman sa takot ng dalawang kasama nito ay tumakbo at iniwan ang biktima habang hinabol naman ng isang suspek ang mga ito gamit ang motorsiklo ng biktima.

Nadiskubre pa ng biktima na nawawala din ang cellphone at walet nito habang tinangay din ang kanyang motorsiklo matapos ang insidente.

Sa ngayon ay patuloy naman ang pakikipag ugnayan at imbestigasyon ng police station1 upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at mabawi amg mga tinangay na kagamitan ng biktima.

Facebook Comments

From Advertisers